Lunes, Hunyo 27, 2011

Akalain mong masungit daw ako? Agree ka ba?

"Sabihin ang gusto mong sabihin at dapat sabihin" --- Ito ang mga katagang nagpapatakbo sa akong buhay. Isa lang akong ordinaryong babae pero napakaiba sa lahat ng inyong makikilala. - "Si Hannah? eh, masungit 'yan eh" --- Nadinig ko ito sa mga kaklase kong pinaguusapan ako. Ang sikat ko. Talk of the day kasi lagi. Napatawa tuloy ako. Siguro nasabi lang nila ang mga iyon kasi hindi pa nila talaga ako kilala. Hindi naman talaga ako masungit. Iba lang talaga ang paraan ko ng pagsasalita. Inaamin kong mataas ang tono ng boses ko palagi pero hindi ibig sabihin na ako ay gali at masungit. So, yun lang.