MGA
TAYUTAY
1.
Pagtutulad (Simile)
- Ito
ay isang uri ng tayutay na lantaran ang paghahambing ng dalawang bagay, tao,
pangyayari at iba pa. Ginagamitan ito ng mga salitang katulad ng, gaya ng,
kapara, kawangis, magkasim- magkasing- , kasing- at iba pa.
Halimbawa:
a.
Si Lolo Candido ay kasing-tibay ng punong Narra dahil sa
edad na 80, nagagawa pa niyang bumuo ng bahay na siya mismo ang pumapanday.
b. Ang puso ni Manolito ay katulad
ng isang bato. Hindi niya tinulungan ang matandang babae sa pagtawid kahit nagmakaawa na ito sa kanya.
2.
Pagwawangis/ Metapora (Metaphor)
-
Ito ay isang uri ng tayutay na hindi lantaran ang paghahambing ng tao, bagay,
pangyayari at iba pa. Hindi ito ginagamitan ng mga salitang, para ng, katulad
ng, gaya ng, kapara, kawangis, magkasim- magkasing- at iba pa.
Halimbawa:
a.
Itay at Inay, kayo ang kayamanan
na aking pinangangalagaan. Kayo’y hindi
ko kailanman iiwan.
b.
Si Justin ang payaso ng buhay ko,
siya ay parating nariyan para ako’y patawanin.
3.
Pagtatao/Personipikasyon(Personification)
-
Ito ay pagsasatao o pagsasalin ng talino, gawi, at katangian ng tao sa mga
bagay-bagay sa ating paligid, mga bagay na walang buhay.
Halimbawa:
a. Sa paghaplos ng malamig na hangin sa aking pisngi, naalala ko bigla
ang aking lola na yumao.
b.
Sana’y pagalitan siya ng kanyang konsenya
sa pandarayang ginawa niya sa aming pagsusulit.
4.
Pagmamalabis (Hyperbole)
-
Isang uri ng tayutay na lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan
ng tao, bagay o pangyayari.
Halimbawa:
a. Umiyak si Betty ng dugo nang
nalaman niyang hindi siya nakapasa sa LET.
b.
Huminto ang pagtibok ng kawawa kong puso nang Makita kong may kasama siyang
iba.
5.
Pagtawag (Apostrophe)
- Ito’y paggamit ng mga salita sa
pakikipag-usap sa karaniwang bagay na tila totoong buhay at tila nasa kanyang
harapan ngunit wala naman, mga bagay na malayo o wala naman.
Halimbawa:
a.
O aking salamin, salamat sa pagdamay
sa akin.
b. Anino, huwag mo akong takutin.
6.
Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
-
Ito’y pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa
kabuuan maaari rin naming ang isang tao’y kumakatawan sa isang pangkat.
Halimbawa:
a. Isang bagong mukha ang aming nasilayan sa bahay ni
Bentong. (isang bagong mukha na
tumutukoy sa isang tao)
b.
Maraming kamay ang gumawa ng aming
proyekto kaya maganda ang kinalabasan nito. (maraming kamay na tumutukoy sa
grupo ng tao)
7.
Pagpapalit-tawag (Metonymy)
- Ang ibig sabihin ng “meto” sa
metonymy ay panghalili o pagpapalit. Ito ay paggamit ng salitang panumbas o
pamalit sa bagay, tao o pangyayaring pinatutungkulan.
Halimbawa:
a. Isang Einstein ang nanalo sa Science Quiz Bee. (Einstein
na panghalili sa napakatalinong tao)
b.
Siya ang butuing nag-uwi ng koronang
Mutya Hong Libertad. (bituin na
panhalili sa napakagandang kandedata)
8.
Paripantig (Aliterasyon)
- Pag-uulit
ng magkatulad na mga titik o tunog sa simula ng dalawa o higit pang magkasunod
na mga salita o salitang magkakalapit sa isa’t isa.
- Inuulit ang pantig sa unahan ng
mga salita.
Halimbawa:
a. Masakit man sa akin pero sabi
niya kulang pa ang pagmamahal, pagaaruga
at pagmamalasakit ko sa kanya.
b.
Si Perla ay maituturi kong isang maganda,
maalaga at mapagmahal na kaibigan.
9.
Tanong Retorikal (Rhetorical Question)
-
Ang pagpapahayag na ito ay ginagamit upang tanggapin o di-tanggapin ang isang
bagay. Isa itong tanong na walang inaasahang sagot.
Halimbawa:
a. Bakit napakahigpit ng kapalaran?
b.
Kailan mo papakawalan ang puso kong
nasasaktan?
10.
Paglumanay (Euphemism)
-
Pinapaganda ang pangit na mga salita upang maging katanggap-tanggap at
kaaya-aya ito.
Halimbawa:
a. Ayaw na ayaw ko sa mga taong hindi marunong sumunod sa utos. (hindi
“matigas ang ulo”)
b.
Huwag kang magbalak na kumitil ng buhay.
(hindi “pumatay”)
ALUSYON
-
Ito
ay paggamit ng mga salita sa pagtukoy sa isang tao, pook o pangyayari.
Karaniwang ginagamit ng mga taong may pinag-aralan at taong dalubhasa.
1. Alusyon
sa Heograpiya
a. Ang Britania Islands ay ang Boracay ng CARAGA Region.
b.
Ang DELTA ay ang Dahilayan ng Butuan.
2. Alusyon
sa Literatura
a. Nahihiya man
akong aminin pero mithiin kong maging isang Juliet
ng aking kaklase na si Romeo.
b.
Si Bonie ang Shakespeare ng aming
unibersidad dahil sa angking talino sa larangan ng literatura.
3. Alusyon
sa Bibliya
a. Si Pipoy, na palaging maagang
pumapasok sa paaralan, ay naatasang maging isang San. Pedro ng aming guro. Siya ang
taga-hawak ng susi ng aming silid.
b.
Lahat ng mga ilaw ng tahanan ay mga Maria
sa kanilang mga pinakamamahal na anak.
4. Alusyon
sa Mitolohiya
a. Kahit ano pang puri ang ibigay
mo sa iyong sarili, hinding-hindi ka magiging Eros sa aking paningin.
b. Sa
husay ni Kiray sa pakikipaglaban, siya ang Athena ng kanilang purok.
SAWIKAIN
o IDYOMA
-
Ang sawikain o idyoma ay
salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito ay nagbibigay ng ‘di
tuwirang kahulugan.
luha ng buwaya – hindi totoong
nagdadalamhati, nagkukunwari, pakitang tao
-
Huwag
kang magpapaniwala sa kinikilos ni Jen tungkol sa pagkamatay ng isa ninyong
kaibigan dahil nararamdaman ko na iyan ay luha
ng buwaya lamang.
di-makabasag pinggan – mahinhin kumilos
-
Sa
tatlong makakaibigan na sina Luz, Betchay at Kitty, si Luz lamang ang di-makabasag pinggan.
ilista sa tubig – kalimutan na ang
utang dahil hindi na ito mababayaran pa
-
Hindi
na talaga ako magpapautang sa Budoy na ‘yan dahil sa ilang taong lumipas, ang
lahat ng utang niya ay inilista na sa
tubig.
kumagat sa pain – naloko, nalinlang, napaniwala
agad
-
Naaawa
ako kang Mona dahil kahit alam niyang hindi seryoso si Manny sa kanya, siya ay kumagat parin sa pain. May iba ng babae
si Manny na kinakasama ngayon.
nagbibilang ng poste – walang trabaho
-
Nakatapos
nga si Joel sa kolehiyo ngunit siya ay nagbibilang
parin ng poste hanggang ngayon.
ibinilanggo sa mga bisig – niyakap nang
mahigpit
-
Ibinilanggo sa mga bisig ni Nilo ang kanyang pinakamamahal
na asawa na namalagi sa Manila sa loob ng isang taon.
lantang bulaklak – dalagang disgrasyada,
babaeng napahamak ang kapurihan
-
Kahit
na sinabihan na si Penny ng kanyang mga magulang na huwang munang magkaroon ng
kasintahan, sumuway parin ang dalaga. Kaya ngayon, siya ay isang latang bulaklak na.
putok sa buho – walang ama o ina
-
Naaawa
talaga ako kang Manuel, minamaltrato siya ng kanyang tiyahin at putok sa buho pa ang bata
Itaga sa bato – tandaan
-
Hinding-hindi
na ako hihingi ng iyong tulong, itaga mo
‘yan sa bato. Ang lahat ng tulong mo ay hindi galing sa puso.
pantay ang paa – patay na, yumao
-
Malungkot
ako sa nangyari kay Bebi. Kahapon lang ay nakita ko pa siyang kumakain ng
sorbetes sa parke pero ngayon, pantay na
ang kanyang mga paa.
----
Proyekto namin sa Fil 103 :)
Hannah L. Yangson
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento